Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Enero 24, 2019

Usapin hinggil sa opersayon ng MRT o LRT.

Usapin Hinggil sa Operasyon ng MRT/LRT



Ang Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila(InglesManila Light Rail Transit System) ay ang pangunahing pangkalakhang sistema ng transportasyong daangbakal na naglilingkod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. May dalawang linya ang LRTA: ang LRT-1, na tinatawag bilang Linyang Dilaw at ang MRT-2, na tinatawag bilang Linyang Murado. Bagaman kinikilala ang sistema bilang isang sistema ng "maagang riles" (light rail), maaaring dahil sa pagiging angat ng lambat-lambat, maituturing na mas malapit sa isang metro sa terminolohiyang Europeo-Hilagang Amerikano ang mga linya ng LRTA. Ang sistema ng LRTA ay ang unang sistema ng metro sa Timog Silangang Asya na itinayo na mas maaga pa kaysa sa MRT ng Singgapur ng tatlong taon. Walang kaugnayan ang LRTA sa Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlunan ng Maynila (MRTC), o ang Linyang Bughaw, na bumubuo ng sistemang magkaiba ngunit magkaugnay. 


Isang bahagi ang mga linya nito sa imprastruktura ng transportasyong daangbakal ng Kalakhang Maynila, na kilala bilang Sistemang Panlulan ng Matatag na Republika (SRTS),at pangkalahatang sistema ng pampublikong transportasyon. Bagaman isa sa orihinal na adhika ng sistema ay bawasan ang antas ng paninikip ng trapiko sa kalakhan, marami sa mga pasahero na sumasakay sa mga linya nito ay gumagamit rin ng iba't-ibang uri ng pampublikong transportasyon sa daan, tulad ng mga bus, upang maiabot ang kanilang paroroonan mula sa isang estasyon ng tren at bise-bersa. Habang bumubuo ito ng isang komprehensibong sistema ng transportasyong naglilingkod sa maraming bahagi ng Kalakhang Maynila, bahagyang matagumpay lamang ang sistema sa pagbawas ng antas ng paninikip ng trapiko at sa pagbilis ng paglalakbay, na tuluyang lumalala dahil sa pagtaas ng bilang ng mga sasakyan sa Kalakhang Maynila. Ang paglawak ng lambat-lambat, na isinusulong ng mga sunud-sunod na administrasyon mula pa sa pagkatatag ng LRTA, ay nakatuon sa resolusyon ng problemang ito.









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento